01 September 2009

KAPATID KO, KAPATID KAY KRISTO, KASAMA NATIN

POEMS ARE SONGS OF THE HEART AND SOUL

Kapatid, halika 'yong yakapin

simula ng bagong pag-asa

mayroong ningning bawat mata

sa paglundo ng isang umaga.


Di ka titigil sa patak ng ulan

agos ng dumadagundong na problema

sa tilamsik at dagok ng 'yong isipan

pamayanin ang mga biyaya N'ya.


Kapatid, ikaw'y tunay na minahal

inaruga't pinagpala ng Maykapal

itinuring at inangkin Niyang anak

'yong lasapin pupog ng kanyang halik.


Di sayangin ang bawat sandali

siya ay nasa iyong puso.

Nagpahiwatig ng sarili

kapatid, kasama mo si Kristo.

No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...