11 March 2011

Mabiyayang buhay

Aanhin ko ang mga bagay bagay
na di nagbibigay ng malayang buhay
at kahulugan sa aking paglalakbay.

Mga bagay bagay na ´king nasusumpungan
inaabot at pilit pinagyayaman
samantalang ako ay nilalamon.

Hawak hawak ng aking kamay
mga bagay bagay na nagbibigay buhay
kaloob na yaman at iba´t ibang kulay.

Palipat lipat at palipad lipad
tadhana ng buhay dala dala´y palad
ng buhay biyaya at walang katulad.



No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...