27 March 2011

Hangal na Puso

Ang puso ay may pakiramdam
paghahangad na nagpupumiglas
gustong abutin pero madulas
nagpipilit kahit panandalian.

Hangal na puso, walang isip
Di natuto ayaw lubayan
Bakit kahit lamang apuhap
ng sandali mangyaring angkinin.

At sa bawat paglipas ng bukas
ang ngayon ay siyang pagyamanin
upang ng sa gayon 
bawat sandali ay walang bakas.

O pusong hangal, nawaý matuto
kalokohan at kabobohan
itapon at mangyaring tapusin
karunungan ay likas sa ´tin.

No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...