26 August 2009

Pangarap

Mulang pagkabata’y, mga mata’y

Namulat sa pagibig

Makapaglingkod sa tao’t sa Diyos

Ay inaasam-asam nitong aking puso

Diyos na maawain at mapagkalinga

‘di bibiguin adhikain ng isang bata

ngayo’y pangarap na isang ganap

aking minimithi-mithi


1986 mga ilang araw at buwan na lamang

kaganapan ng isang pangarap

ay matatamasa

subali’t may mga gulo at bagabag

na dumarating sa aking isipan at puso

ano ang mangyayari pa?


Panginoon, nalalaman mo ang adhikain

Ng isang kaluluwa

Batid mo ang mabuti

Batid mo ang magiging bukas.


Sa iyo o panginoon

Ibinibigay ko ang aking sarili

Mangyari nawa ang kalooban mo sa akin. Amen.

No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...