hanggang kailan pa kaya
mapapasaakin ikaw
na isang katauhang walang kubli?
Hanggang kailan pa ang katapatan
ang paghahangad na tagos
sa puso, tulad ng agos
ng 'sang ilog na may linaw na angkin?
Walang dapat na ipagpapabukas
ang ngayon ang kasagutan
sa katanungan na minsan
ang pag-angkin at pagyakap s'yang wakas.