05 October 2020

PANDEMYA

Sa umpisa´y pangamba
di gaanong kilala
narinig at nakita
ngayon, bidang bida ka.
 
Pandemya sa buhay ka
pandemya ´ting lahat na
kasama ka tangay ka
sa hirap at ligaya,

Marami ka ng turo
di kita itatatwa 
tinuwid mo buhay ko
kaya nakakasaya.

Marunong ka pandemya
Alam mo kung kailan na
P´pwedeng  magpakita
Pagbabago ang dala.

Danas ng buong mundo
unti unting nabuksan 
mata, isip sa turo  
taglay na mga pangako.

Aanhin na lang buhay
kung walang katuturan
karanasan at malay
may kahulugan ´t tunay.

Kailan man pandemya
Di ka malilimutan
Kaakibat kasama
Walang takot may saya.












 







 



No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...