27 April 2010

IGUANA, ATBP.

Iguana     
Sa biglang pagsulpot ng iyong ulo
At sabay hatak sa katawan
Isang tili ng pagkagulat
Sapat na para ikaw´y tumakbo.

Usa      
Mahinhin at mapupungay na mata
Malalim na pakikipag-ugnayan
Marahan na kilos
Maamo subalit mailap rin.

 The Bees & Me   
Ibon
Malaya ang iyong paglipad
Habang umaawit at umiindak
Sa damyo ng bawat hangin
Kalayaan at kaligayahan ay hatid.

Paru-paro     
Iba`t-ibang kulay
May dalang balita
galak at lumbay
Sa kanyang pagbisita.










No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...