01 March 2014

Mayroon pa bang nalalabi?

Mayroon pa bang nalalabi
ìsang pagtingin sa nakaraan
kahit sa pagdaan ng panahon
matitinag sakit na kubli.

Mayroon bang di nasasabi
sa kabila ng katotohanan
naroon ang ilap na tanggapin
sa puso kasama ay hapdi.

Mayroon yatang nalalabi
sa pagikot ng mundo`t panahon
paglipas ng araw, buwan`t mga taon
ang kahapon ay mapapawi.

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...