07 May 2010

ELEKSYON NA NAMAN



Minsan nakakapunding isipin
Totoo, eleksyon na naman
Mayroon kayang pagbabago
Sino ang posibleng mananalo?

Politikang pinoy ´ting gagalawan
Magulo, marumi, at malabo
Pangako, pag-asa ewan natin
Subukan ulit at para matuto.

Paano gagawin ng pobreng pinoy
Awa ng politikerong kampanya
Daya at utang na loob ang kalaban
Hindi ba puwedeng maging malaya?

Karapatan na para sa iyo lamang
Bakit di malayang angkinin?
Upang ang bawat totoong boto natin
maging bunga ng kalayaan.

No comments:

Post a Comment

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...