01 September 2009

TAKIPSILIM SA DALAMPASIGAN



Kadiliman ay unti-unting lumukob
Ocean Picturessa pisngi ng m'la bughaw na langit
at ang alon ay nagsimulang sumaliw
sa duyan ng mapaglarong hangin...

.... mamaya-mam'ya'y rumaragasa
langkay ng batang saya'y di maikubli
at nagpasimulang magtampisaw
maglaro't maghabulan sa buhanginan.

kasabay ng indak ng mga alon
ay bangkang pumalaot sa karagatan
mangingisdang puno ng pag-asa
yaman ng dagat, dala'y kal'walhatian...

... unti-unting nilamon ng kadiliman
pisngi ng langit, naglaho sa paningin
hapyo ng hangin, naglagos sa kalamnan
nagbadya sa pagtatapos ng isang yugto.

Embraced as One

When in a long lock down,  what is - becomes the  pattern  of a normal living. The space of time is long and open yet at the end of the day ...